Buhay Migrante
Sino bang bayani? Sino bang makabayan?
Ba't ba tayo nandito, anong pinaglalaban?
Kung mahal mo ang bayan, bakit ka lumisan?
Mas mahalaga ba ang sariling kapakanan?
At bakit sa bansang dinatnan, tila tayo'y nagbago?
Natutong rumespeto, nabuo ang prinsipyo
Sa bansang sinilangan,di man tayo ganito
Sublit dito, buong loob nagseserbisyo
Madaming katanungan, madaming pagdududa
Siguro ganito talaga ang karera
Minsan nasa taas, minsan mababa
Minsan parang wala tayong nagawang tama
Mahal ko ang Pilipinas, perlas ng silanganan
Sana di kinailangang mangibang bayan
Sana walang korapsyon, walang kahirapan
Sana lahat isa ang pinaglalaban
Ako'y magbabalik, at sayo'y babawi
Lahat ng pagkukulang sana'y mapawi
Balang araw tayo'y magwawagi
Maaasam ang ginhawang minimithi